Now Playing Tracks

asdfghjkatecoleen:

Ang mga tatay:

  • Di ba kapag narinig lang nila na may gusto kang lalaki bigla silang sisingit sa usapan at sasabihin na, “Bawal ka pa magboyfriend. Tigilan mo iyan.” Natural lang sa kanila ang pagiging protective sa sarili nilang anak. Lalo na kung ikaw ay only child tapos babae ka pa nga.
  • Hindi nila alam kung papaano ka kakausapin pagdating sa personal na mga bagay kasi ayaw nilang naipapakita sa ibang tao na mahina o malambot sila, lalo na sa kanilang anak dahil na nga rin sa sila ang sinasandalan natin o pinupuntahan natin kapag may problema tayo.
  • Hindi sila masyadong matanong sa mga bagay-bagay. Katulad na lang kung saan ka pupunta, anong oras ka uuwi, sino kasama mo and so on. Sa asawa na nila ipapasa iyong mga ganoong tanong.
  • Konting lambing lang, dukot agad ng wallet at bigay ng pera. Hindi katulad ng mga nanay na marami pa ngang tanong na kung saan mo gagastusin iyon.
  • Hindi ka nila papakielaman hanggang sa hindi ka nila nakikitang nanghihina at nangangailangan na talaga ng tulong. Gusto kasi nilang matuto ka tumayo sa sarili mong dalawang paa.
  • At higit sa lahat, sila ang unang boyfriend mo.
To Tumblr, Love Pixel Union